Nakakabagot sa Psychiatry. Inuulcer pa rin ako sa sobrang pagkabato. Pero astig, kagabi lang ako nakakita ng schizo in action. May nakikita raw siyang dwende at 2 anino. Lagi raw tinutusok yung liver niya chaka binabali buto niya. Tapos lagi rin siyang hinihiritan at inuutusan.
Eg. Marco the intern: Kuya,nanood ka ba nung bagong laban ni Pacquiao? San yun ginawa?
Schizo the patient: Sa Araneta!
Marco: Very good!
Schizo the patient: Ay hindi, sabi nila sa Cuneta Astrodome. Pinagtawanan tuloy nila ako...
Nyaahaaay!
Nainggit ako for 10 seconds. Gusto ko rin sana makakita ng kakaiba. Hehe, kakabagot na kasi talaga e...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
best regards, nice info »
Post a Comment